Mapusok
Ngayong gabi,
pansamantala ko munang ihihimlay
ang napapagal kong katawan
sa isang espasyong matipid
na itinira para sa’kin
ang espasyong ito
na matagal ko na ring inangkin–
ito ang aking pagmamay-ari.
Sa mga sandaling ito,
nananatiling gising ang aking ulirat
habang pinakikiramdaman
ang batingaw ng mga sikmurang
kumakalam–
hindi lang sa akin, kundi sa kanila rin.
Di maiiwasang magkadikit
ang mga nanlilimahid na katawan
ng bawat isa sa amin
habang nakasanayan na ang paglanghap
sa hanging pinakaitan ng halimuyak.
Ngayong gabi,
kasama ko silang muli
at ang pinagsama-samang espasyong ito
na aming inari
ay tinawag naming “mundo.”
*alay kay prex, salamat sa inspirasyon.
No comments:
Post a Comment