Monday, May 25, 2009

Komposisyon


Komposisyon

Patawad kung hindi ko natapos i-kritiko
ang bawat pahinang iniiwas pa mula sa pagkapunit o pagka-basa,
at sa alimpuyo
ng mga labanan at walang hanggang lakaran
yaong sinipi at isinulat-kamay
kasama ng sa iba pa.
Hindi kailanman papayag
na matangay o mawasak
ang koleksiyon ng mga ala-ala
ng mga tunggalian, sakripisyo’t pagmamahal
at walang katapusang kontradiksyon.

Patawad kung lumisan akong
walang naiwang likha alay sa mahal na kasama.
Ngunit sa’king pagbalik
muli kong susuriin ang bawat berso, konteksto, at retorika
at mag-aambag ng higit pa—
yaong hindi palasak
at mayrong pinaglalaanan.
Sa muli nating pagkikita’y
kabahagi na’ko sa ideya
ng lilikhain mong komposisyon.

3 comments:

  1. patawad kung makita mong may luhang nanatak
    mula sa mga mata kong di maiwasang maiyak
    ngunit kong sa pagkikita natin tunay mong mahagilap
    ang damdaming binabata mula pa ng lumisan
    hanggang sa magtagpong muli ang mga titik ng ating awit at paglaban
    sana ako din may lakas na ng loob na isuka
    ang mga salita na ibig ipaalam

    mga katagang bubuo ng komposisyon
    ng kasaysayan ng pagsibol bakit may pakikibaka

    patawad kung lumuluha ako
    pero sana malaman mo
    bakit ako nagkaganito

    ReplyDelete
  2. thnx for your positive comment., =)

    ReplyDelete