Monday, February 22, 2010

Muni-muni



Muni-muni

Sino ba talaga si Happiness?
Bakit sa tuwing malapit na siya sa'kin,
at hahawakan ko na lang,
unti-unti siyang
naglalaho sa alapaap?

Simple lang naman ang hiling ko,
ang maaninag ang liwanag sa mukha ni Happiness,
yakapin siya nang mahigpit at kung papayagan ng pagkakataon,
makipagdaupang-palad sa kanya
upang makasiguro kong wala na siyang kawala.

Ayoko na kay Loneliness.
gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya.
Pero, pilit niyang pinagsisiksikan ang sarili niya sakin.
Ngunit luha, pasakit, pagkaulila--
ito lamang ang aking 'altanghap' 'pag kasama ko siya.

Si Moral, ang aking matalik na kaibigan.
Palagi niyang pinalalakas ang loob ko.
Pinapaalalahanan niya ako palagi
ng mga teoryang napag-aralan
at hinahamon ako sa katanungang "para kanino?"

Sa tuwing paga ang aking mga mata kakaiyak
dahil kay Loneliness sa gabi
at nabibitin kay Happiness na palagi akong pinapaasa,
ginigising ako ni Moral kapiling ang mainit na 3 in 1:
ang masa + ang bayan + ganap na paglaya = a cup of struggle!

Minsan tuloy naisip ko,
si Moral nalang kaya ang ibigin ko? kami na lang kaya?
Si Moral na nagmumulat sa'kin sa katotohanan
at si Moral na kailanman,
hindi ako pinaiyak o pinaasa.

* isang tula mula sa'king pagmumuni-muni sa hating-gabi...nagugulumihan. Pinatataas ang moral mula sa hindi maipaliwanag na kalungkutan at paghahanap kung tunay o ilusyon lamang ba si Happiness...

No comments:

Post a Comment