Friday, May 29, 2009

Adiós Oruga



Adiós Oruga

Nakatutuwang isipin na hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga sandaling lipas na. Kung papaano ko ibuhos sa harap ng isang Diary ang lahat ng mga bagay na nakapanlulumo sa’kin. Ang mga sandaling iyon na wala pa akong tamang konsepto ng pagpapalaya sa sarili at pagpapanibagong-hubog.
Ang Diary na iyon ang nagsilbing lunduyan ko ng mga malalalim na reserbasyon na hindi ko ganap na masabi sa isang tao dala na rin ng hiya, pangamba, o isiping isa lamang itong porma ng panlilibak. Ito rin ang nagsilbing kulungan ng mga ikinubli kong kahinaan at kontradiksyon sa buhay na mahirap kong mapangibabawan. Minsan pa nga, may mga pagkakataong nababasa ito ng mga kapatid kong mahilig makialam sa mga gamit na hindi naman kanila. Ang resulta, nagiging komplikado lang tuloy ang lahat.
Sa pagdaan ng panahon at sa proseso ng aking ganap na pagkamulat, lubos ko ring naunawaan ang esensya ng wastong pagpuna sa iba at pagpuna sa sarili. Aminado naman ako noong una na hindi madaling tanggapin ang mga negatibong puna sa’kin kung kaya’t labis na lang kung magdepensa ako sa’king sarili. Aminado rin ako noong una na minsa’y naging personal at suhektibo ako sa paraan ng pamumuna. Sa kalaunan, tuluyan ko rin naman itong naiwaksi.
Mayroong mga bagay na positibo at negatibo na hindi ko nakikita sa sarili at nakikita ng ilang mga kasama kong malalapit sa’kin at saksi sa ilan kong mga gawain. Ang mga bagay na ito na lingid sa’king kaalaman ang nagpapaunlad sa’kin. Gayunpaman, wala namang puwang ang pag-alam lamang sa kahinaan kung walang pagpapanibagong-hubog na magaganap sa sarili. Binuwag ko ang liberal na kaisipang “If they could not accept my worst, they don’t deserve my best.” Sa pagsasapraktika ng pagpapanibagong hubog, laging may paraan at oras para baguhin ang mga bagay na alam ng mali at makakasagka sa pagpapaunlad ng sarili. Hindi man madalian, ngunit nasa proseso.
Muli, binalikan ko ang mga matatamis at mapapait na ala-ala na pinagpaguran kong isulat sa’king Diary. Nalaman kong maraming mga bagay ang nagbago sa’king buhay at alam kong maaari pang magbago pagdating ng panahon.
Sa kasalukuyan, marami pa rin naman akong mga kahinaan. Mapa-internal o external man, patuloy ko pa rin itong binabaka sa sarili sa kabila ng walang katapusang mga kontradiksyon.

Monday, May 25, 2009

Kadua

Kadua

Mula sa’yong magiting na pagkilos
hanggang sa pagkakalagot ng ‘yong huling hininga
mula sa punglong sayo’y ipinaluwal
ng mga berdugo,
Nangangalipuspos ang pagdadalamhati
ng mga kasamang iyong naiwan…

Ngunit, mas nangibabaw
ang damdaming nag-aalipuyos sa ngitngit na galit
upang ipagpatuloy pa ang lahat ng nasimulan.
Sa’yong pagkawala,hindi kailanman masasayang
ang dugong iyong ipinunla na magsisilbing panibagong binhi
at mag-aani ng marami pang kagaya mo.

Muziklaban



Muziklaban

Sa gabi’y sabay-sabay na naghihiyawan ang mga kuliglig
na bumubuo ng mala-bandang saliw ng tugtugin
kasabay ang pag-indayog ng bulto nilang katawan
na naglilikha ng nakamamanghang ilaw sa gabing pinagkaitan ng liwanag.

Nakikipagpaligsahan naman sa pagbirit ng nota ang iba’t-ibang uri ng ibon.
Nariyan rin ang pigil na alingawngaw ng matsing,
at pagaspas ng mga dahon at talahib na nagsisilbing arkansas.
Sa dako pa roo’y maririnig ang madaloy ngunit palaban na agos ng sapa mula sa sibol.


Sa di kalayuan, nakikisabay sa saliw ang mga buhong mariing nag-uumpugan
na nakapagdudulot ng mula payak hanggang papalakas na pagkabog ng dibdib,
mga buhong lumilikha ng mala-tambol na tunog sa bawat sandali
ngunit higit na malakas bahagyang tulad ng pilantik ng M-16.

Dalawang oras bago ang pagsikat ng araw pinapawi ng nakakapasong kapeng-barako
ang hang-over sa musika at naipong hamog sa loob ng katawan.
Mainam na pampagising sa natutulog na ulirat para sa mas di inaasahang tunog
na posibleng humantong sa mas madibdibang labanan.

Komposisyon


Komposisyon

Patawad kung hindi ko natapos i-kritiko
ang bawat pahinang iniiwas pa mula sa pagkapunit o pagka-basa,
at sa alimpuyo
ng mga labanan at walang hanggang lakaran
yaong sinipi at isinulat-kamay
kasama ng sa iba pa.
Hindi kailanman papayag
na matangay o mawasak
ang koleksiyon ng mga ala-ala
ng mga tunggalian, sakripisyo’t pagmamahal
at walang katapusang kontradiksyon.

Patawad kung lumisan akong
walang naiwang likha alay sa mahal na kasama.
Ngunit sa’king pagbalik
muli kong susuriin ang bawat berso, konteksto, at retorika
at mag-aambag ng higit pa—
yaong hindi palasak
at mayrong pinaglalaanan.
Sa muli nating pagkikita’y
kabahagi na’ko sa ideya
ng lilikhain mong komposisyon.

Dyahe


Dyahe

Very few days from now, classes will be resumed. I feel a little bit pressure. After long years of studying at school, now is the only time that I feel so much fed-up. Only now is the worst pressure I feel considering the fact that I’m about to graduate college very soon. I’m about to leave my Alma matter but still, I could not totally separate myself from the boundary of bourgeois education which have molded me all through my life. It’s because I’ll become a teacher. This time, I’ll be the one who will mold the minds of my students who’ll be professionals, leaders of the country or ominously, out-of-school youth in the future brought by the continuous tuition increase or commercialization, privatization, and rationalization of many state universities. Whoever they would be in the future, I would never be fed-up of awakening their minds to the reality of the society. My mission as an educator remains purposive—to arouse, organize, and mobilize them.
Though class hasn’t started yet, I could already foresee my usual daily routines—how I waste my time with my classmates listening to loud sermons of our terror adviser who seems to see herself a saint and doing more sermons than lessons to her subject, preparing myself early in the morning for school and fight my intense stress due to heavy traffic (if I’ll be late from her, she’ll not accept me to come to her class unless I’ll beg her in her office with a valid reason), getting bombarded with tons of paper works, teaching demonstrations or reports, series of group works, compendium (authorizing an own book), thesis or projects, and, of course quizzes and examinations will always be there. Despite the fact that I still have so many significant works aside from academic matters, it is indeed, a stressful one. Sometimes I think that if there is only a permitted course for those certain area of works (those that don't concern my present academic course/majorship), I’ve already shifted into it.
Nevertheless, I couldn't wait any longer for my off-campus next semester. It’s not because of the probable tension that my final-blown teaching demonstration in a real classroom setting might bring me; but, what excites me the most is the total exposure to the real world of educators like me and to the different irregularities in the plight of education that the government couldn't hide and should give an immediate action(not just a bond-aid solution).
Few months from now, I’ll be graduating college. However, it doesn’t matter to me how high my grades are, how prestigious my awards will be, or how many times my name will be mentioned and remembered by the community of my alma matter because of my enviable honorable rank. All those things will never measure the real meaning of “excellence” but it could be measured on how you are willing to risk everything for yourself to acquire the genuine award which is not only yours but also for the people as a whole.

Friday, May 22, 2009

Red Revolution


(Opinion)

Red Revolution

(solution to the rotten Philippine Polity and Governance)

There is no way for me to refuse Red Revolution until the despicable polity and governance has not yet truly changed here in our country where the democracy should always exist and the authoritarian power should be acquired by the one who truly deserves it– the masses.

I’ve been observing how Philippine polity and governance is actually practiced in our country and one thing that I have observed is the ruthless division between the administration and the opposition and how one is better than the other, the blatant corruption of Philippine officials and how desperate the most of them of even committing such heinous crimes just to win the governance or to consolidate more authoritarian power in the society. Just as how President Gloria Macapagal Arroyo (PGMA), when she committed the very immoral electoral fraud in her “Hello Garci?” controversial issue. Now, election time is just around the corner and PGMA is so obsessed to amend the constitution into charter change. It is an absurd to change the constitution knowing the fact that PGMA’s hidden goal is to stay long in her position and serve as the scrupulous ‘puppet’ of the imperialists. More, the administration is also calling for national unity and reconciliation. We need to stop all these political bickering and such for our country to move on. It is ironic for a government to call for unity and reconciliation if its instrument for peace (i.e: the military and police) are primarily the cause of disunity. How many activists, students, priests, lawyers, women, and such have been killed allegedly or have been abducted by the military?

Nevertheless, ruthless number of extra judicial killings, enforced disappearances, and torture are becoming so rampant here in this country, most especially when PGMA started her presidency. Until now, the progressives UP students Karen Empeño and Sherlyn Cadapan, journalist Jojo Burgos, and such still haven’t found for years since they were abducted no one else but by the military.

Here comes also the unequal or lack of budget allocation of the government in public services such as the budget cuts in different State Universities and Colleges (SUCs) leading to commercialization and privatization. Worse, the problem on Tuition and Other Fees Increase (TOFI) continuously arise such as, the University of the Philippines (UP) has already increased 300% in tuition, the Polytechnic University of the Philippines (PUP) has been paying a developmental fee added in their miscellaneous fee, and the Philippine Normal University (PNU) would increase 5% in tuition every year. While on the other hand, the government allots large budget in Philippine military pushing for military exercises. PGMA even allowed Visiting Forces Agreement (VFA) of US despite its many threats to the people in the country just to save her deteriorating hegemony.

However, there are also the wishy-washy political parties and a weak political system here in the country. It seems sarcastic how main parties are too personality-oriented, and not program-oriented. In fact, they are indistinguishable from one another in their political beliefs and programs. They have a weak membership bases and operate only during election time. Political turncoatism is a venerable tradition, as Felipe Miranda puts it. Post-Marcos parties, in particular, are said to reflect the undeveloped or malformed character of the Philippine political party system. Far from being stable, programmatic organizations, they have proven to be nebulous entities that can be set up, merged with others, split, resurrected, regurgitated, reconstituted, renamed, repackaged, recycled or flushed down the toilet anytime. Just as a butterfly-politician flits from one party to another, the party flits from one coalition to the next. Most politicians have come to be derogatorily called “trapo”, which is short for “traditional politician” but ordinarily means ‘dirty old rag.” The Philippines’ trapo parties may seem to be feeble, sapless creatures, but collectively, they play a key role in the institutionalization of political corruption in the country.

It is also ironic that the government is clamoring for economic reforms that would lead to economic stability and development, but has failed to see who is directly affected by the Expanded Value-Added Tax or E-VAT and the oil deregulation law–none other than the masses.

Despite anomalies where PGMA is involve such as the ZTE-NBN deal that seems to have been faded now, electoral fraud, and different faces of corruption, she is still have the guts to stand in front of the public here in the country and abroad to boast her lies saying that the country is bearing fruit when the truth is many people dying from intense hunger.

Sometimes, I would think if Gat Bonifacio is still alive right now, he would most likely lead another revolution. Indeed, the ideas of the Communist Party are needed to have genuine political and economic reforms. That is why for me, the New People’s Army (NPA) is actually the real army of the people. If this government can’t do anything to stop its mediocre political and economic reforms, the left would be the only remaining answer to the problems of majority of the people. I would not hesitate to be part of the red revolution and be ready for any circumstances if in return would be for the benefit of the people in majority.

Machoshit

(filipino translation)

Macho shit

Kung hihimay-himayin
ang imahe ng bawat daloy ng pangungusap
litaw ang mga salitang mayaman sa ideya
ngunit kapos sa konkretong paliwanag--
ang mga kapirasong salitang iyon
ay may gayumang mapanghalina
na unti-unting lumamon
sa kalahati ng aking kabuuan...

Bakit mo ipinalulon sa'kin
ang isang bisyong
alam mong ipinagbabawal?



**********

(english translation)



Macho shit

If I'll scrutinize
the image of every phrases
visible are the words that are abundant in idea
but meager in precise explanation--
those portion of every words
convey an alluring redolent
which little by little imbibe
the half of my totality...

Why did you have me devoured
into a habit
that you know is wrong?


*consciously or unconsciously,there are certain men who tend to become "macho shits".

Martsa sa Marso

Martsa sa Marso

Hindi lamang sa pagtanggap ng diploma, mga papuri o gantimpala nasusukat ang pagiging isang matagumpay na indibidwal; ang pag-aalay ng lakas at talino sa bayan ay malaking hakbangin tungo sa pag-akyat sa tunay na entablado ng ganap na tagumpay—hindi lamang tagumpay ng pansarili kundi pati ng sambayanan.

Muli na namang dumating ang araw ng pagtatapos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas kung saan muling nilisan ng mga bagong hulmang guro ang pamantasan upang harapin ang panibagong hamon ng pagiging isang ganap na guro. Dito nila lubusang masisilayaan ang ilang mga iregularisasyon ng edukasyon sa bansa partikular ang mga gurong magsisipagturo sa mga pampublikong paaralan.

Batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na silid-aralan at may 2,381, 943 na mga mesa/upuan sa ating mga paaralan. Mayroong 0.33 ratio na bilang ng libro at bilang ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 naman sa hayskul. Ito ang resulta ng pababang kalidad ng edukasyon. Halimbawa, sa 1999 Third International Math and Science Study, ang Pilipinas ay pumuesto ng 36th sa kabuuang 38 na bansang sumali.

Gayunpaman, isa ito sa mga suliraning hindi malayong masaksihan ng mga magiging gurong magsisipagtapos sa Normal. Magiging isang hamon ito para sa kanila kung papaano sila tutugon sa ganitong uri ng mga suliranin.

Nang dumalo ako sa Senior’s conference mula sa Departamento ng Ingles noong buwan ng Pebrero, ibinahagi sa amin ng mga seniors ang mga hindi nila makakalimutang karanasan sa kanilang off-campus kung saan negatibo ang karamihan ng kanilang mga ibinahagi gaya ng mga kakulangan sa pasilidad, gamit at iba pa. Gayunpaman, alam kong hindi pa sasapat ang karanasang iyon upang ganap nilang maunawaan ang inaanay ng sistema ng edukasyon sa bansa. Sa tuluyan nilang paglubog sa mundo ng pagtuturo, marami pa silang matutuklasan at mararanasan.

Mismong ang mga seniors na rin ang nagsabi na sa pagiging isang guro, kinakailangan ng sapat na tapang dahil sa pagtuturo, hindi lamang kaalaman ang ibinabahagi sa mga estudyante ngunit kinakailangan ding maiparamdam sa kanila kung papaano sila mapoprotektahan sa oras ng pangangailangan. Kunsabagay, isang makabuluhang kaisipan ang kanilang napagtanto ngunit hindi lamang ito sa simpleng usapin ng pagtatanggol sa kanila sa nakakaaway na frat sa labas ng silid-aralan o kung anu pa man. Sa halip, mas malaking usapin ito ng pagtatanggol sa mas malaki pang kaaway—ang patuloy na budget cut ng gobyerno sa edukasyon.

Mula sa Badyet ng Pamahalaan para sa Taong 2004 at manipesto ng Anak Bayan Youth Party at iba pa, mayroon lamang 5.21% porsiyentong badyet ang Department of Defense, 1.5 % ang para sa kalusugan, 0.3% ang para sa pabahay at 15.4% ang para sa edukasyon. Gayundin, mayroon lamang P15.68 bilyun na inilalaan ng gobyerbo sa edukasyon para sa taong 2004 habang mula P42.5 bilyun noong taong 2003, muling itinaas ang budyet ng militar sa P45 bilyun at P33 bilyun naman sa Philippine National Police (PNP). Kung susuriing mabuti, lubhang napakaliit ng badyet ng gobyerno sa edukasyon kumpara sa badyet sa paggamit ng dahas, Ang dahilan, para tuluyang sugpuin ang “terorista” sa bansa. Ngunit hindi naman ito tuluyang masusugpo kung walang mga iregularisasyon sa bansa. Ika nga sa ingles, “it is not the rebels who cause the troubles but it is the troubles that cause the rebels."

Bilang guro, malaki ang responsibilidad na kanilang ginagampanan sa lipunan sapagkat sila ang magsisilbing tagapaghubog sa kamulatan ng mga mag-aaral na magiging susunod na lider at produktibong mamamayan ng bansa.

Sa mga mag-aaral nakasalalay ang kinabukasan ng bansa kung saan ang mga guro naman ang magsisilbing ilaw na gabay upang maisakatuparan ito. Kasalungat nito, tila unti-unti nang dumidilim ang liwanag na ito sapagkat patuloy na ring dumarami ang mga gurong mas pinipiling mangibang-bansa sapagkat kulang na kulang ang sahod at benepisyo mula sa gobyerno ang kanilang natatanggap.

Ayon sa datos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), nananatili din ang kababaan ng sahod ng mga 500,000 guro sa elementarya at sekundaryong paaralang pambuliko mula P4,000 hanggang P6,000 bawat buwan (sa karaniwan) na take-home pay pagkatapos ng mga deductions at bayad sa utang. Kaya di kataka-taka libo-libong guro ang nabibiktima ng mga utangang 5-6 at nagsasyadline bilang mga tindera ng mga kendi, siopao, at iba pa sa kanilang mga paaralan. Dahil dito, hindi masisisi ang mga gurong mas piniling maging katulong sa ibang bansa dulot ng napakababang sahod ng mga guro sa Pilipinas.
Gayunpaman, dakila ang mga gurong mas pinipiling manatili sa sariling bansa upang ialay ang serbisyo sa bayan at sa kanilang mga estudyanteng nangangailangan ng kanilang hindi matutumbasang serbisyo. Gayundin, wala ng mas hihigit pa sa mga gurong huwaran ng katapangan sa pagtatanggol sa karapatan sa edukasyon ng bawat mag-aaral na silang magpapatuloy sa pamamahala sa bansa sa hinaharap.

Isang malaking hamon sa mga nagsipagtapos na guro sa Normal nitong taon ang landas na kanilang pipiliin—ang magsilbing liwanag na lalagot sa gapos ng karimlan ng bawat mag-aaral na patuloy na nalulugmok sa kabulukan ng sistema ng edukasyon, o ang maging pasibo at intindihin na lamang ang pansariling kapakanan.



Sanggunian:
www.bulatlat.com

Escapism


Escapism

sometimes, we have to stop
for a lil while
to feel our breathe…
to yell out our melancholy
through the gentle slap of the wind
as it harshly brushes our hair–
that voice within ours
is the truth
that lies behind all facts…
where in for every facts
there is only one that abridges all.
afterwards…droplets of solitude
fall down on our face.
then, a lil sunshine
would rise…

Sexcapade

Only you and I are in this night together.
This is the moment that I’ve been waiting for so long,
And I guess that this is the perfect moment.
For I always see you in darkness—confused.
And that made me so hot to seduce you.

So let me kiss away your doubts and exchange each other’s tongue with words…
As we take off each other’s insanity that we’re wearing—bare naked.
Let me be the one to work it on you.
Tonight, I’ll arouse you and make sure
that you’ll be satisfied afterwards—no regrets.

First, I’ll make you wet and stinky all over with the words of truth—
the truth that you may not know yet for all of your life.
Slowly and gently, I’ll start it from the top,
down to the private part of yours—
your perspective on the real world, our world.

Now, I’ll do you my best blow job ever—
This time I’ll be wilder to swallow that huge confusion of yours
and suck it inside and out repeatedly.
I'll llick your ideas and scrutinize them at every point.
Then, I’ll blow away the false ones with nationalistic, mass-oriented and scientific inquiry.

Slowly…gently…then wildly… I’ve reached your highest orgasm, at last.
I’ve already tasted the warm and sticky agitation,
that suddenly ejaculated from the private part of yours.
From the darkness,
You’ll be leaving towards the light with your mind awakened.

Now, our wild moment is over but the struggle continues—our struggle.
Again, I’ll never be tired
Of arousing many like you
For the truth masturbates minds…
From our struggle until its success!


* to the fuckers out there, let our left fist be raised!

Mapusok

Mapusok

Ngayong gabi,

pansamantala ko munang ihihimlay

ang napapagal kong katawan

sa isang espasyong matipid

na itinira para sa’kin

ang espasyong ito

na matagal ko na ring inangkin–

ito ang aking pagmamay-ari.

Sa mga sandaling ito,

nananatiling gising ang aking ulirat

habang pinakikiramdaman

ang batingaw ng mga sikmurang

kumakalam–

hindi lang sa akin, kundi sa kanila rin.

Di maiiwasang magkadikit

ang mga nanlilimahid na katawan

ng bawat isa sa amin

habang nakasanayan na ang paglanghap

sa hanging pinakaitan ng halimuyak.

Ngayong gabi,

kasama ko silang muli

at ang pinagsama-samang espasyong ito

na aming inari

ay tinawag naming “mundo.”

*alay kay prex, salamat sa inspirasyon.

My Sweetest Downfall



My Sweetest Downfall

How to escape
with the fatal sin you’ve done?…
–my sweetest downfall.
The kind of sin
that cannot be erased in my mind,
as much as I want to eradicate.
If only I could turn back time…
*…wanting to live in serenity… let me be…*

Nightlife


Nightlife

Blurry in the midst of the moonlight dim
is the face of everyone,
all steadfast.
Following every beat of fleeting happiness.

The liquid of solitude
giggles within my throat,
down to my stomach–
gives warmth, gives hope.

The music blows everybody’s ear with sarcasm,
where inside is the sanctuary of escapism.
The time that warns every moment was neglected–
“Carpe diem!”

Kubrador (rebyu)

Sugal ng Buhay

(Rebyu sa Pelikulang “Kubrador”)

Director: Jeffrey Jeturian

Producer: MLR Films

Lead Cast: Gina Pareño (Amy)

Length: 100 mins

Rating: R-13

Genre: Drama

Plot:

Ipinakita sa simula ng pelikula ang mga lungga ng mga tagapangasiwa ng kubrador ng jueteng kung saan ni-raid sila ng mga pulis. Para hindi mahuli, kani-kaniya sila ng paraan sa pagtakbo at pagtago.

Umikot ang istorya kay Amelita Barmayor o mas kilala sa tawag na Amy, isang kubrador na pinagbidahan ng mahusay na aktres na si Gina Pareño. Bagamat maituturing na iligal ang kaniyang ginagawang pangungubra, mababakas pa rin sa kaniyang katauhan ang pagiging isang mabuting maybahay na masipag na naghahanap-buhay para sa kaniyang pamilya.

Isan araw, kamalas-malasang nahuli si Amy ng mga pulis at natagpuan sa kaniya ang tayaang papel na ginamit niya sa pangungubra. Gayunpaman, mismo ang hepe (Soliman Cruz) ng pulisya at isang pulis sa presinto ang tumaya kay Amy sa jueteng. Matapos mapiyansahan ng kabo (Elmo Redrico; tagakulekta ng mga perang naisusumite mula sa jueteng) nilisan ni Amy ang presinto at pagod na pagod na umuwi sa kaniyang bahay.

Makalipas ang ilang araw, pumayag si Amy sa pakiusap ng may sakit na kabo na humalili muna siya sa pagdalo sa bolahan ng jueteng. Pinasamahan siya sa binatang si Baste sa pagpunta sa isang tagong lugar. Pagdating ng table manager (tagamasid ng bolahan ng jueteng), sinabi nito sa lahat ng kabo na kanselado na ang bolahan ng jueteng at mayroon nang nanalong numero. Samantala, ang tatay ni Baste ang nakatsambang nakakuha ng tamang kumbinasyon. Dinala sila ng Table Manager sa isang kahero ng jueteng (Johny Manahan) kung saan naroon ang limpak-limpak na salaping kinikita sa jueteng na ibabahagi sa mga pulitiko. Dito kinuha ni Baste ang 180 libong napanalunan ng kaniyang ama.

Pagdating sa bahay, isang masamang balita ang ibinungad ng pilay na asawa ni Amy na si Eli (Fonz Deza) sa kaniya. Hinabilinan ng kapitbahay si Eli na ipag-bigay alam kay Amy ang kaniyang taya ngunit nakalimutan itong gawin ni Eli dala ng matinding pagkakatutoksa gameshow. Galit na galit ang kapitbahay nang malaman niyang nanalo siya sa jueteng ngunit hindi naitaya ni Amy ang kaniyang numero. Walang ibang naisip na paraan si Amy kundi ang mangutang nalang sa kabo upang ibayad sa nanggagalaiti niyang kapitbahay habang pinagbalingan niya ng sisi si Eli sa naging kapabayaan nito.

Kinabukasan, araw ng mga patay, dinalaw sa sementeryo ng buong mag-anak ni Amy ang kaniyang bunsong anak na si Eric, isang sundalong napatay sa engkuwentro sa Mindanao. Minabuti ni Amy na maglibut-libot sa sementeryo upang magpalipas ng galit kay Eli. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, naabutan niya ang isang drayber ng owner na galit na galit na nakikipag-away at naglabas ng baril. Nadaplisan ng bala si Amy sa balikat habang ang binata sa kaniyang likuran ang lubhang napuruhan ng bala sa dibdib.

Nagwakas ang pelikula matapos isugod sa ospital ang lalaki habang tila wala sa ulirat si Amy sa pag-unawa sa nangyari.

****

Tumampok sa pelikula ang iba’t-ibang suliranin sa bansa na kapwa magkakaugnay.

Talamak na ang jueteng sa bansa noon pang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Itinuturing na iligal ang larong ito ngunit ang makapangyarihan at maimpluwensiyang pulitiko at alagad ng batas ang mismong nasa likod nito.

Kinakatawan ni Amy ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino na napipilitang sumabak sa mga iligal na gawaing mapagkakakitaan gaya ng jueteng dahil sa malaking kakapusan ng trabahong makabubuhay sa ating bansa. Araw-araw siyang nangungubra sa kabila ng ilang panganib na dulot ng kaniyang iligal na gawain.

Pag-asa sa numero

Inilahad sa pelikula ang pagkakaroon ng iba’t-ibang makikitid na paniniwala ng mga Pilipino batay sa kanilang matalas na pandamdam o instinct. Gaya na lamang ni Amy na ginawang batayan ang bawat bagay sa pagpili ng numerong itataya sa jueteng. Halimbawa na lamang ng palaka at duwag na sumisimbolo raw sa numerong “3 at 7,” patay at iyakan na nagrerepresenta sa numerong “13 at 29′ at marami pang iba.

Sa ganitong konteksto, ipinakita ang ideyalismong pananaw ng ilan sa mga Pilipino kung saan mas nagiging mapagpasya ang kanilang kamalayan o pag-iisip kaysa reyalidad. Itinuturing nilang nakatakda na ang ilang bagay kung saan iniaasa na lamang nila sa kapalaran ang daloy ng kanilang buhay.

Mga mukha ng kasawian

Ipinamalas din ang magkakabit na kalagayan na kumakatawan sa buhay ng mga Pilipino partikular na sa mga taong nakakasalamuha ni Amy sa araw-araw niyang pangungubra.

Mapapansin ang paghahangad ng maraming Pilipino na mangibang-bansa kung saan ito ang nakikita nilang susi upang makatakas sa kahirapan. Halimbawa na lamang nang naabutan ni Amy ang kapitbahay nitong si Josie na namamaalam patungong ibang-bansa. Nakapangasawa siya ng isang Amerikano at mas piniling lisanin ang Pilipinas upang manirahan sa ibang bansa. Gayundin, nabanggit sa pelikula na narsing ang karaniwang kursong kinukuha ng maraming kabataan ngayon kung saan mayroon silang pagkakataong makapangibang-bansa. Dagdag pa rito ang anak ni Amy na si Mona na nagtatrabaho bilang isang domestic helper sa ibang bansa.

Kulang ang nakabubuhay na trabaho sa bansa; kung mayroon man, walang sapat na pasahod at benepisyo kung kaya’t napipilitan ang maraming Pilipino na mangibang-bansa na lamang. Sa katunayan, mismong ang gobyerno pa ang nagtutulak sa mga Pilipino para mangibang-bansa upang i-eksport ang kanilang lakas paggawa sapagkat nakasandig ang lugmok na ekonomiya ng Pilipinas sa kitang ipinapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa kabilang dako, nalaman din ni Amy ang nakawan sa isang pampublikong paaralan ng elementarya kung saan mahihirap o walang trabaho ang mga magulang ng mayorya sa mga mag-aaral. Nalaman din niya ang tungkol sa isa nilang kapitbahay na pamilya ng carnapper. Manipestasyon lamang ito ng patuloy na paglaganap sa bansa ng mga Pilipinong napipilitang gumawa ng mga antisosyal na gawain sa dikta ng pangangailangan at bunga ng kawalan ng makabubuhay na trabaho sa bansa.

Mailalahad din sa pelikula na isang dahilan ang kawalan ng trabaho kung bakit patuloy ang paglaki ng populasyon sa bansa, tulad na lamang ni Juvie na madalas magbuntis. Matatandaang paglalako lamang ng diyaryo ang tanging hanapbuhay ng kaniyang asawang si Kulot at walang permanenteng trabaho kung kaya’t kadalasan siyang nakapirmi sa bahay. Sa ganitong kalagayan, hindi maiiwasang humantong ang kanilang bakanteng oras sa palagiang pagtatalik sanhi pa rin ng kawalan ng trabaho.

Gayunpaman, pumapaloob lamang ang lahat ng mga partikular na kalagayang ito sa unibersalidad na suliranin sa trabaho. Matatandaan din ang sinabi ni Amy sa isang parte ng pelikula na ang kawalan ng trabaho ang nagtulak sa kaniya upang pasukin ang iligal na jueteng. Laganap ang kakapusan sa trabaho at wala ring suporta ang gobyerno sa pagbibigay ng sapat na pasahod at benepisyo ng mga manggagawa sa bansa. Ito ang siyang nagtutulak sa mga kapus-palad na Pilipino upang kumapit sa patalim at mangibang-bansa.

Pag-asa sa kawalan

Itinuturing ang mga pulis bilang isa sa mga pag-asang magpapairal ng batas at tagasugpo ng krimen sa bansa. Kasalungat nito, nakikilahok mismo ang mga pulis sa iligal na jueteng kung saan tumaya rin mismo sa sugal ang hepe ng pulisya na magsisilbi sanang isang mabuting halimbawa sa mga pulis na pinamumunuan niya sa presinto.

Inilalahad lamang nito na walang tunay na pangil na umiiral sa batas sapagkat mismong ang mga alagad nito ang lumalahok sa mga iligal na gawain at nagtatakip sa mga pulitikong nasa likod nito kapalit ng kanilang pansariling interes.

Ang pagkakaroon ng maligayang buhay ang nagpasya naman sa kahero ng mga pera sa jueteng upang ganap na magpagamit sa pulitiko. Matatandaan ang sinabi niyang, “iba na ang may pakinabang sa mga buwaya” na kung saan kaliwa’t kanan ang natatanggap niyang suhol mula sa isang kongresman at ilan pang pulitiko na nasa likod ng jueteng.

Ipinakita sa pelikula ang karungisan ng mismong mga pulitiko at lider ng bansa na siya ring nangunguna sa pagpapatakbo ng jueteng. Sila ang higit na nakikinabang sa larong ito sa kabila ng mga panganib na maaaring maidulot nito sa mga kubrador at tagapangasiwa ng jueteng. Sinasamantala nila ang kalagayan sa buhay ng mga mahihirap na walang trabaho upang ganap na palaganapin ang jueteng at makapagkamal ng limpak-limpak na salapi.

Pagsugpo sa kasawian

Umugat ang mga kalagayan at suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa na nagtulak sa maraming Pilipinong kagaya ni Amy upang pasukin ang mundo ng iligal na jueteng–ang pagiging isang kubrador. Ang kawalan din ng trabaho ang nagtutulak sa marami pang Pilipino sa isa pang klase ng pagsusugal–ang pagsusugal ng buhay para makatawid sa kahirapan.

Hindi sa panandaliang solusyon lamang masusugpo ang laganap na krimen at ilang mga iligal na gawain sa bansa gaya ng simpleng pagpapatupad ng mga huwad na batas kundi ang pangmatagalang solusyon tulad ng pagbibigay ng trabahong makabubuhay sa mamamayan. Gayundin, hindi lamang ang trabaho sa serbisyo ang dapat ilaan ng gobyerno sa mamamayan kundi ang paglilikha at pagbibigay ng trabahong makabayan, siyentipiko, at makamasa na pakikinabangan ng mayoryang mga mahihirap.

Isang neorealist style ang pelikulang ito kung saang makatotohanan ang bawat eksena at galaw ng mga aktor at aktres at socially relevant ang istorya. Hindi ito pinaglaanan ng malaking pera kung saan hindi sikat ang karamihang mga gumanap sa pelikula at tipikal na video camera lamang ang ginamit sa pagkuha ng mga eksena.

Gayunpaman, mahusay ang pagkakaprodyus sa pelikula kung saan humakot ito ng maraming parangal sa loob at labas ng bansa gaya ng Lino Brocka Award ng Cinemanila International Film Festival (CIFF); Best Actress (Gina Pareño) at Best Director ng Filipino Academy of Movie, Arts, and Sciences (FAMAS) Award, Best Cinematography, Best Picture, Best Production Design ng Gawad Urian Award; at marami pang iba.

Maituturing na isang tagumpay ang pagkakalikha sa pelikulang Kubrador kung saan minumulat nito ang mga manunuod sa tunay na kalagayan ng Pilipinas na nasasadlak sa kahirapan dulot ng ilang mga naghahari at mapagsamantalang uri sa lipunan.

Sanggunian:

kubrador.mlrfilms.com (for casts and awards)

Published:

June 2008; The Torch issue; Vol. 61 No.1